MENU
Philippine Standard Time:
Senator Bam Aquino and Los Baños strengthened partnership for quality education initiatives (July 7, 2025)
Published date: Jul 8, 2025
Senator Bam Aquino and Los Baños strengthened partnership for quality education initiatives (July 7, 2025)

KALIDAD NA EDUKASYON, PINAGTIBAY NA MISYON! 

Upang pag-usapan ang mga makabuluhang hakbang sa pagpapalakas ng edukasyon sa Bayan ng Los Baños, nagkita nitong July 7, 2025 (Lunes) sina Mayor Neil Andrew Nocon at Senator Bam Aquino (Sen. Paolo Benigno " Bam " Aguirre Aquino IV). Sa kanilang masinsinang pag-uusap, tinalakay nila ang mga makabago at konkretong solusyon upang mapalawak ang akses sa dekalidad na edukasyon para sa mga kabataang Los Bañense, mula sa karagdagang pasilidad, suporta sa mga guro, hanggang sa mga programang magpapalalim sa kaalaman ng bawat mag-aaral. Isang mahalagang hakbang ito tungo sa paghubog ng isang henerasyong may sapat na kaalaman, kakayahan, at pag-asa para sa hinaharap. 

Sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng edukasyon sa Los Baños, isang henerasyon ng kabataang handang mangarap at magtagumpay ang ating binubuo. Maraming salamat po, Senator Bam Aquino, sa walang sawang suporta at pagiging katuwang ng aming bayan sa misyon ng edukasyon! 

#SenatorBamVisitsLosBaños

#SenatorBamAquino

#EdukasyonParaSaLahat

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 696 Total Views

Related:


;