Los Baños strengthened disaster preparedness through strategic planning and Philippine Red Cross partnership (July 4, 2025)
Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at iba pang Departamento ng Pamahalaan, ay nagsagawa ng isang masusing pagpaplano at tuloy-tuloy na pagsasanay nitong Hulyo 4, 2025 (Biyernes) upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.
Nagkaroon din ng isang mahalagang pagbisita sa Philippine Red Cross kung saan ay nakipagpulong si Mayor Nocon kay Philippine Red Cross Chairman and ex-Senator Dick Gordon upang pag-usapan ang mga estratehiya at hakbang na kinakailangan upang mapahusay ang kahandaan ng bayan sa anumang hamon ng kalikasan. Binisita rin nila ang Operations Center ng Red Cross upang mas maunawaan ang mga proseso at estratehiya na ginagamit sa emergency response at disaster preparedness.
Sa bawat pagtutulungan at masusing pagpaplano, muling pinapatibay natin ang determinasyon na tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa bayan ng Los Baños. Ang mga hakbang na ito ay simula pa lamang, at sa patuloy na pagpapalakas ng mga programa, tiyak na magiging mas handa tayo sa pagharap sa anumang sakuna. Patuloy nating itaguyod ang isang komunidad na puno ng pagkakaisa, kahandaan, at malasakit para sa bawat isa.
#PhilippineRedCrossVisit
#EmergencyPreparedness
#DisasterRiskReduction
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
