MENU
Philippine Standard Time:
Pormal na Pagsisimula ng Panibagong Yugto ng Paglilingkod sa Bayan ng Los Baños
Published date: Jul 7, 2025
Pormal na Pagsisimula ng Panibagong Yugto ng Paglilingkod sa Bayan ng Los Baños

Sa pangunguna ni Vice Mayor Marlo PJ Alipon bilang Presiding Officer ng Sangguniang Bayan, at sa buong suporta ni Mayor Neil Andrew Nocon, matagumpay na isinagawa ang Inaugural Session ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños—isang mahalagang pagtitipon na hudyat ng opisyal na pagsisimula ng panibagong termino ng mga halal na opisyal ng bayan.

Ang Inaugural Session ay isang pormal na sesyon ng Sangguniang Bayan kung saan muling pinagtitibay ng mga miyembro ang kanilang mandato, responsibilidad, at kolektibong layunin para sa mga susunod na taon ng paglilingkod. Dito inilalatag ang mga hangarin, direksyon, at mga panukalang patakaran na magpapalakas sa lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno at administrasyon ni Mayor Neil Andrew Nocon.

Katuwang sa sesyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at Hon. Jay G. Rolusta, gayundin sina SK Federation President Samantha Banasihan Ortega at ABC President Gaudencio Macatangay.

Nakiisa rin sa pagtitipon ang mga Punong Barangay, mga kinatawan mula sa DILG, PNP, BJMP, BFP, mga Department at Unit Heads ng MGLB, at mga kawani ng iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Ang Inaugural Session ay simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo—isang panata ng tapat, bukas, at makataong pamamahala para sa isang mas ligtas, mas masigla, at mas maunlad na Los Baños.

#InauguralSession2025

 506 Total Views

Related:


;