Weekly Flag Raising Ceremony (1st Week of July)
Sa unang Lunes sa buwan ng Hulyo 2025, ang lingguhang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay pinangunahan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO). Sa pangunguna ni Municipal Nutrition Action Officer Madeleine Alforja ay nailahad ang mga accomplishments ng kanilang tanggapan at maging ang mga paparating na aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng 51st Nutrition Month na may temang “Food and Nutrition Security, maging Priority. Sapat na Pagkain, Katapatan Natin.” Isa itong paanyaya sa bawat isa na unahin ang kalusugan at sapat na nutrisyon para sa mas malusog na bayan.
Nagbigay rin ng mainit na pagbati si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa lahat ng dumalo at nagpaabot siya ng panawagan ng pagkakaisa para sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Los Baños. Dumalo sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang na sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay G. Rolusta, SK Federation President Samantha Banasihan Ortega, at ABC President Gaudencio Macatangay. Nakiisa rin ang mga Punong Barangay, kinatawan mula sa DILG, PNP, BJMP, BFP, MGLB Department and Unit Heads, at ang mga kawani ng Pamahalaang tanggapan.
Isang makabuluhang pagtitipon ito na muling nagpaalala sa lahat na ang tunay na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaisa, malasakit, at pagkilos para sa kabutihang panlahat.
#WeeklyFlagRaisingCeremony
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
