51st Nutrition Month Celebration (June 4, 2025)
Matagumpay na isinagawa nitong June 4, 2025 (Biyernes) ang pagdiriwang ng IKA-51 TAON NG NUTRITION MONTH na may temang "Food at Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain Karapatan Natin!"
Sa pangunguna ng ating bagong Punong Bayan Hon. Neil Andrew Nocon ay nagkaroon ng Nutri-Float Parade mula General Paciano Rizal Park hanggang Multipurpose Evacuation Center kung saan ay nagpamalas ng kahusayan at pagkamalikhain ang mga grupo mula sa iba’t ibang barangay sa kanilang mga makulay at makabuluhang Nutrition Floats, tampok ang mga pinalamutiang mga pedicab/ebike na nagpapakita ng mga lokal na ani at nagsusulong ng iba’t ibang mensahe ng tamang nutrisyon. Nagkaroon rin ng paligsahan sa Most Creative Baskets na nagbibigay-kahalagahan sa sapat at masustansyang pagkain para sa bawat isa.
Ang selebrasyon ay dinaluhan rin ng ating Konsehal ng Kalusugan, Nutrisyon at Sanitasyon Hon. Jay Rolusta, Municipal Nutrition Action Officer Madeleine Alforja, District Nutrition Program Coordinator Laguna Judy Melicio, Provincial Health Office Nutritionist Dietitian Prince Ian Jervis Malleta, Nutrition Consultant Dr. Maria Cerezo, Los Baños Tourism Officer Edmarie Calungsod, Local Youth Development Officer Arthur Paul John Gaza, BNC representatives mula sa bawat barangay, Daycare & RICC children, Municipal Employees, at mga residente ng Los Baños.
Ang tagumpay ng kaganapang ito ay patunay ng pagkakaisa ng ating komunidad tungo sa mas malusog at mas masiglang kinabukasan. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa!
#51stNutritionMonthCelebration
#NutriFloatParade
#NutriFloatMakingCompetition
#MostCreativeBasketsCompetition
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
