Oath-Taking Ceremony held for Newly Elected and Re-Elected Officials of Los Baños (June 30, 2025)
OPISYAL NA PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL AT MULING HALAL NA OPISYAL NG BAYAN NG LOS BAÑOS
Matapos ang turn-over ceremony ay ginanap ang panunumpa ng mga bagong halal at muling halal na mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Hunyo 30, 2025 sa Municipal Activity Area. Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga mahal sa buhay ng mga opisyal, mga empleyado ng Munisipyo, at mga mamamayan ng Los Baños.
Opisyal na nanumpa kay Presiding Judge, RTC Branch 107, Los Baños Hon. Rene Natividad sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Hon. Councilor Miko C. Pelegrina, Hon. Councilor Aldous Amiel B. Perez, Hon. Councilor Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Councilor Leren Mae M. Bautista, Hon. Councilor Benedicto S. Alborida, Hon. Councilor Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Councilor Myla E. Alinsunurin, at Hon. Councilor Jay G. Rolusta.
Kanilang ipinaabot ang pangakong malingkod nang tapat, may integridad, at may malasakit sa bawat sektor ng lipunan sa bayan ng Los Baños. Sama-sama nating harapin ang panibagong kabanata ng pagbabago at pag-unlad! 
Mabuhay ang Bayan ng Los Baños!
#MunicipalOathTaking2025
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
