Municipal Turn-over Ceremony 2025 (June 30, 2025)
Ginanap ang makasaysayang Turnover Ceremony nitong June 30, 2025 (Lunes) sa Pamahalaang tanggapan ng Los Baños, isang simbolikong paglipat ng tungkulin mula sa kasalukuyang lider patungo sa bagong halal na mamumuno.
Sa harap ng mga opisyal, kawani ng bayan, at mga mamamayan ng Los Baños nagbigay ng kanyang huling mensahe si Mayor Anthony “Ton” Genuino, isang taos-pusong pasasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya sa nakaraang mga taon ng kanyang serbisyo. Isa ring pangako na patuloy syang magseserbisyo sa bayang kanyang minahal at pinaglingkuran. Mainit ding sinalubong at buong dangal na ipinasa ang responsibilidad sa Bagong Halal na Mayor ng Bayan ng Los Baños, si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na sa kanyang unang opisyal na mensahe ay naghayag ng kanyang panata ng malasakit, tapat na pamumuno, at pag-asa para sa pag-abante ng bayan ng Los Baños.
Dumalo sa okasyong ito sina Konsehal Jonathan “Jonsi” Siytiap, Queensehala Leren Mae Bautista, Konsehala Mec Dizon, gayundin ang mga incoming at outgoing councilors, DILG Los Baños na pinangunahan ni Ms. Michicko Escalante, kinatawan mula sa PNP, BFP, BJMP, at DepEd sa pamumuno ni District Supervisor Soledad Villanueva. Nakiisa rin ang Sangguniang Kabataan na pinangungunahan ni SK Federation President Samantha Banasihan Ortega, mga Department at Unit Heads, Punong Barangay, mga empleyado ng munisipyo, kinatawan mula sa civil society at iba’t ibang sektor, at mga mamamayan ng Los Baños.
Ang seremonyang ito ay hindi lamang paglipat ng kapangyarihan, kundi pagpapatuloy ng adhikain ng bayan, na ang bawat lider ay maglilingkod nang may puso, dangal, at katapatan.
#MunicipalTurnover2025
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
