MENU
Philippine Standard Time:
L.A.B. (LIGTAS ANG BAYAN LABAN SA COVID-19) MARKET MANAGEMENT ADMINISTRATION: MASUSING PAG-UUSAP SA MGA BAGAY NA ASIKASUHIN SA MGA PAMILIHANG BAYAN NG LOS BAÑOS.
Published date: Mar 11, 2021
L.A.B. (LIGTAS ANG BAYAN LABAN SA COVID-19) MARKET MANAGEMENT ADMINISTRATION: MASUSING PAG-UUSAP SA MGA BAGAY NA ASIKASUHIN SA MGA PAMILIHANG BAYAN NG LOS BAÑOS.

Kahapon ng alas-10 n.u. isang pulong ang naganap sa pangunguna ng bagong Punumbayan ANTONIO L. KALAW kasama ang Local Administrator, Municipal Planning Officer, Municipal Treasurer at mga Konsehal ng Sangguniang Bayan.

Ang pulong ay ipinatawag ayon na rin sa kahilingan ng Local Market Administrator kasama ng mga pangulo ng mga Pamilihang Bayan (Batong Malake at Poblacion.)

Sumentro ang talakayan sa bagong palengke sa Poblacion at ang mga hinaing na nailatag ay ang mga sumusunod:

1. Entrance at exit door na nangangailangang tingnan ang kaligtasan at kasiguraduhang maiingatan ang mga mamimili at mga nagtitinda sa palengke.

2. Disenyo ng paglalagyan ng karne at manok na uukma sa pangangailangan ng mga nagtitinda para sa kanilang "stall efficient station".

3. Espasyo ng tindahan ng mga nasa likuran.

4. Parking Area

5. Papayagan ba ang mga nais magtinda bilang street market vendors sa mga araw ng kapaskuhan at bagong taon? (Poblacion at Batong Malake Markets)

6. Kontrata ng mga kumuha ng stall at ang mga nabinbin na bayarin ng upa sa mga stalls.

7. Pagsunod sa minimum health standards.

At marami pang ibang usapin na tuloy namang susuportahan ng Pamahalaang Lokal.

Panawagan sa ating lahat na tangkilikin ang mga panindang nasa mga Pamilihang Bayan upang makatulong tayo sa lokal na pagsulong ng ekonomiya ng ating bayan.

#HustisyaSaGitnaNgPandemya

#DISIPLINAMUNA

#ManatilingLigtasLabanSaCOVID19

#LigtasAngBayan #LB

#COVID19

 217 Total Views