MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: PAMAMAHAGI NG SOCIAL PENSION SA MGA SENIOR CITIZEN NG BRGY. LALAKAY AT BRGY. TADLAC, PINANGUNAHAN NI MAYOR “KUYA TONY” KALAW
Published date: Mar 11, 2021
TINGNAN: PAMAMAHAGI NG SOCIAL PENSION SA MGA SENIOR CITIZEN NG BRGY. LALAKAY  AT BRGY. TADLAC, PINANGUNAHAN NI MAYOR “KUYA TONY” KALAW

Namahagi na ang pamahalaang bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Mayor “Kuya Tony” Kalaw, ng social pension para sa mga senior citizen sa mga barangay ng Lalakay at Tadlac nitong Lunes, Pebrero 8, 2021.

May kabuuang 110 na mga senior citizen mula sa Brgy. Lalakay at 100 naman mula sa Brgy. Tadlac ang mga benepisyaryo sa naturang tulong pinansyal.

Mayroong kabuuang 1,527 na mga senior citizen mula sa 14 na barangay sa buong bayan ang pinaglalaanan ng pamahalaan ng social pension.

Sa ngayon ay naikot na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang lahat nang mga barangay para sa pamamahagi ng social pension at may ilan na lamang anilang mga benepisyaryo na hindi pa nakakapag-claim ng pensiyon.

Patuloy na kaagapay ang pamahalaang lokal kasama ang MSWDO sa pagsisiguro na natutugunan ang pangangailangan at napapahalagahan ang karapatan ng mga nakatatanda sa bayan ng Los Baños.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

 99 Total Views

Related: