MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: MAYOR "KUYA TONY" KALAW PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG CASH AT FOOD SUBSIDY SA MGA MANGINGISDA NG LOS BAÑOS"
Published date: Mar 4, 2021
TINGNAN: MAYOR "KUYA TONY" KALAW PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG CASH AT FOOD SUBSIDY SA MGA MANGINGISDA NG LOS BAÑOS"

Pinangunahan kamakailan ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ang pamamahagi ng Php3,000.00 cash voucher, 25 kilong bigas, 3kilo ng manok at 2 tray ng itlog sa 685 na mangingisda ng Los Baños noong ika 25 ng Pebrero.

Ang pamamahagi ay kaugnay sa programa ng Kagawaran ng Pagsasaka na "Cash and Food Subsidy for Marginalized Farmers and Fisherfolks" na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A Regional Director Sammy A. Malvas at Provincial Fisheries Office Chief Emiliana Casbadillo kung saan ang bawat rehistradong mangingisda ay nakatanggap ng tulong pinansyal at pagkain.

Layunin din ng programang ito na matulungan ang mga magpapalay at magmamanok na naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga produkto.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa iba't ibang ahensya upang tulungan ang ating mga magsasaka at mangingisda sa bayan ng Los Baños.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

#OMALosBaños

#OMAngingisdangLosBaños

#BFARCashAndFoodSubsidy

 134 Total Views

Related: