MENU
Philippine Standard Time:
DEEP WELL WATER PUMP
Published date: Jun 16, 2023
DEEP WELL WATER PUMP

Mga Ka-LB, ikinalulungkot ko po ang kasalukyang sitwasyon sa Brgy. Tuntungin-Putho, kung saan higit sa isang linggo nang walang tubig ang mga mamamayan doon. Bukod sa hatid nitong sakit sa ulo, malaking dagok din ito sa isyu ng kalinisan at kalusugan sa kanilang lugar.

Bagaman marami sa ating LB representatives, tulad nina Vice Mayor Baby Sumangil at maging ang Sangguniang Bayan, ang nakipagpulong para umalma sa Laguna Aquatec Resources Corporation (LARC), sadyang matatagalan pa diumano ang pag-aayos ng water system sa nasabing barangay. Kung maayos man daw ito ay may posibilidad pa rin na masira itong muli matapos ang ilang buwan.

Dahil dito, kumilos na po tayo, sampu ng Team Bagong Los Baños, upang agad mapagaan ang buhay ng mga Ka-LB natin sa Brgy. Tuntungin-Putho. Malaking pasasalamat na rin sa UPLB sa pagpapagamit ng lupa na tatayuan natin ngayong araw ng DEEP WELL WATER PUMP, upang mapagkuhanan ng tubig ng mga apektado nating mamamayan sakaling mawalan muli ng supply ang LARC sa mga susunod na buwan. Ito ay mas pangmatagalang solusyon, at konting panahon nalang ay masosolusyonan na rin ang problema ng ating mga kababayan sa tubig!

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga tumulong na maisakatuparan ang mabilising proyektong ito. Hindi natin hahayaang mahirapan ang taumbayan, dahil lahat tayo ay karapat-dapat na may access sa malinis na tubig.

#deepwell #TonGenuino #BagongLosBanos

 2445 Total Views

Related:


;