Kinilala ang dalawang kabataang Los Bañense
Isinagawa ngayong araw ang lingguhang Flag-raising Ceremony, na pinangunahan ng Local Youth Development Office.
Dito ay kinilala ang dalawang kabataang Los Bañense na nag-excel sa sports, kung saan ay tumanggap pa sila ng cash gift mula sa Pamahalaang Bayan.
Nagwagi si Joana Lawas, isang Grade 9 student mula sa LBNHS, ng 2nd place sa nakaraang Provincial Athletic Meet sa Chess, na ginanap noong February 25 - 26. Lalaban muli siya sa 2023 Regional Athletic Association Meet na gaganapin naman sa Dasmariñas City, Cavite.
Nagwagi rin si Maristella S. Torrecampo, Grade 5 student mula sa Lopez Elementary School, bilang Rank 1 sa 12 and Under Girl Single ng Unified Tennis Philippines na ginanap noong March 14 sa Manila. Bukas siya naman ay lalaban sa Elite Top 8 Team Philippines sa San Carlos City, Negros Occidental.
Proud na proud si Mayor Anthony "Ton" Genuino at ang buong Los Baños sa kanilang tagumpay. Binabati rin natin sila ng Good Luck sa susunod nilang mga laban!
#BagongLosBaños
#TonGenuino
Related:
-
Most Viewed Article