MENU
Philippine Standard Time:
Pamamahagi ng Garden Tools isinagawa
Published date: May 25, 2023
Pamamahagi ng Garden Tools isinagawa

Kasabay ng pagsasagawa ng lingguhang Flag-raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay ang pagbabahagi naman ng Municipal Agriculture Office ng mas pinalakas na kampanya ng bayan tungkol sa food security at food production. Ito ang malawakang proyekto ng pagtatanim sa pamumuno ni Mayor Ton.

 

Namahagi rin sa iba't ibang schools ng mga kagamitan na ipinagkaloob ng Department of Agriculture 4A, kagaya ng UV plastic, at fine meshnet para sa paggagawa ng green house. Kasama rito ang mga bote ng plant growers, isang sako ng permacast, isang set ng garden tools tulad ng wheelbarrow, kalaykay, trowel, asarol, itak, lagadera at pala. 

 

Nagbigay rin tayo ng vegetable seeds na may kasamang instruction ng pagtatanim mula sa DTI.

 

#BagongLosBaños

#TonGenuino

 

 158 Total Views

Related: