MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: #IJuanaHelp: ONLINE ADVOCACY CAMPAIGN FOR A CAUSE
Published date: Mar 4, 2021
TINGNAN: #IJuanaHelp: ONLINE ADVOCACY CAMPAIGN FOR A CAUSE

Ang pamahalaang bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng tanggapan ng Gender and Development ay naglunsad ng isang Online Advocacy Campaign For A Cause. Ito ay ang #IJuanaHelp upang matulungan ang mga kababaihan nating kababayan na nakakaranas ng iba't ibang karamdaman tulad ng breast cancer, cervical cancer at iba pang kahalintulad na sakit.

Sa datos ng Pilipinas, ang cervical cancer ang pangalawang top killer ng kababaihan sa bansa kasunod ng breast cancer. Ayon sa Department of Health (DOH) at Philippine Cancer Society (PCS), mahigit pitong libong kababaihan sa Pilipinas ang nada-diagnose na may ganitong karamdaman taon-taon.

At bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay nais nating matulungan ang mga kababaihan nating patuloy na lumalaban sa kanilang karamdaman. Sa pamamagitan ng inyong donasyon sa #IJuanaHelp ay matutulungan natin ang mga kababaihan nating kababayan na magkaroon ng pag-asa at pinansyal na mapagkukunan upang tuluyang gumaling sa kanilang karamdaman.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaari itong ipadala sa:

Account Name: LGU Los Baños Trust

Account Number: (Landbank) 1892-1020-97

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

#IJuanaHelp

#JuanaSaGitnaNgPandemyaKaya

 942 Total Views

Related: