General Assembly ng Los Baños Chamber of Commerce and Industry.
Isang karangalan po ang maging punong-abala sa 2022 General Assembly ng Los Baños Chamber of Commerce and Industry. Maraming salamat po sa lahat ng ating Ka-LB businessmen and businesswomen na nakilahok at nakinig sa ating mga plano para sa bayan.
Bilang paghahanda sa susunod na taon, atin pong idineklara ang mga proyektong ipatutupad natin sa First Quarter ng 2023. At dito, hinimok natin ang lahat ng mga dumalo na makipagsabayan ang kani-kanilang organisasyon at negosyo sa pagpapa-unlad ng Los Baños.
Kasabay nito, ipinangako naman po natin ang pagtulong ng LGU sa pagsulong ng turismo at makabagong mga imprastraktura dito sa ating bayan, upang higit ding mapalakas ang local businesses natin. Bahagi nito ang pagpapabuti sa iba't ibang proseso ng lokal na pamahalaan - o pagtanggal sa red tape - para mapagaan ang pagpapatakbo ng isang negosyo sa Los Baños.
Sa ganitong paraan, sama-sama nating maitataguyod ang bagong imahe ng Los Baños bilang isang business-friendly bayan!
Related:
-
Most Viewed Article
