Newest Sister City
×
ANYEONG, MGA KA-LB!
Isang pangmalakasang partnership po ang nilagdaan natin with our newest Sister City - DONGDUCHEON, SOUTH KOREA! Matatagpuan ito sa bahaging norte ng Seoul at itinuturing rin itong defense base ng kanilang bansa.
Hitik sa kultura at kwento ang kanilang siyudad, kaya naman sa mga darating na buwan, magsisimula na po tayong magpadala ng Los Bañense delegates sa Dongducheon, upang mas makilala pa natin ang kanilang lugar. Patutuluyin din natin ang kanilang Korean delegates sa ating bayan para i-welcome naman sila sa maganda at natatangi nating bayan.
Matutupad na ang K-DRAMA dreams natin! Excited na ba kayo?
Related:
-
Most Viewed Article
