MENU
Philippine Standard Time:
LIBRENG KOPYA NG "PSA NEGATIVE CERTIFICATION OF BIRTH" PARA SA MGA MAG-APPLY NG DELAYED REGISTRATION OF BIRTH HANDOG NG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS
Published date: Jan 21, 2021
LIBRENG KOPYA NG "PSA NEGATIVE CERTIFICATION OF BIRTH" PARA SA MGA MAG-APPLY NG DELAYED REGISTRATION OF BIRTH HANDOG NG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS

Inihahandog ng pamahalaang bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw, Sangguniang Bayan, sa pamamagitan ng Gender and Development GAD) Office, ang pagbibigay ng libreng kopya ng "Negative Certification of Birth" para sa mga kababayan nating mag-aapply ng delayed registration of birth.

Ang mga tao, grupo o sektor na maaaring makatanggap nito ay ang mga miyembro ng Senior Citizen, Persons with Disabilities (PWD's), mga Solo Parent at kahit na sinong mahirap "indigent" na mamamayan na ipinanganak sa bayan ng Los Baños.

Kailangan lamang na magpakita ng kaukulang dokumento ang mga kwalipikado tulad ng senior citizen's I.D. o sertipiko mula sa tanggapan ng Senior Citizen, Certificate of Indigency, PWD I.D o Solo Parent I.D.

Kabilang sa mga walang babayaran ay ang Negative Certification of Birth mula sa PSA, BREQs Service Fee, Delayed Registration Fee at mga Notaryo.

Ipinababatid na ang libreng "negative certification" ay hindi maaaring iuwi at mananatili sa tanggapan ng Local Civil Registry at maaari lamang gamitin sa "libreng delayed registration of birth" tuwing buwan ng Oktubre at Pebrero kada taon.

Isandaang aplikante para sa libreng "negative certification of birth" ang maaaring tanggapin sa Local Civil Registry para sa buwan ng Pebrero na mag-uumpisa sa ika-1 hanggang ika-28 ng Pebrero 2021 habang dalawang daang aplikante naman ang tatanggapin sa buwan ng Oktubre.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

 3704 Total Views

Related:


;