MENU
Philippine Standard Time:
AGRO-INDUSTRIAL PARK
Published date: Mar 9, 2023
AGRO-INDUSTRIAL PARK

Panalo ‘to!

Mga Ka-LB, ikinagagalak ko pong ibalitang aprubado na ng LGU ang 70 hektaryang AGRO-INDUSTRIAL PARK na sasakupin ng UP Los Baños. Personal na nating inihatid ang approval ng plan sa opisina ni Chancellor Dong Camacho Jr.

Hatid ng bagong Agro-Industrial Park ang bagong mga imprastrakturang magbubukas ng libo-libong trabaho sa ating bayan. Maiaangat din nito ang ating turismo at ekonomiya, gaya ng tagumpay na nakamit natin nang aprubahan ng inyong lingkod ang PEZA ZONE (economic zones for foreign investors) noong 2010, kasama ang Sangguniang Bayan.

Pambihirang pagkakataon po ang pagkakaroon natin ng Agro-Industrial Park at PEZA ZONE sa ating bayan. Mabuhay ang Los Baños

 1268 Total Views

Related:


;