MENU
Philippine Standard Time:
LGU LOS BAÑOS NAGHAHANDA NA SA ROAD CLEARING 2.0 VALIDATION SA PAMUMUNO NI MAYOR “KUYA TONY” KALAW
Published date: Feb 18, 2021
LGU LOS BAÑOS NAGHAHANDA NA SA ROAD CLEARING 2.0 VALIDATION SA PAMUMUNO NI MAYOR “KUYA TONY” KALAW

Bilang paghahanda sa isasagawang Road Clearing 2.0 Validation sa ating bayan, pinulong ni Mayor “Kuya Tony” Kalaw sina Municipal Administrator Atty. Robert Laviña at mga opisinang may pangunahing papel sa naturang aktibidad gaya ng Municipal Engineering Office, Public Order and Safety Office (POSO), Municipal Local Government Operations Office (MGLOO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Planning and Development Office (MPDO).

Sa naturang pagpupulong ay inilatag ang mga magiging basehan sa pagbibigay ng rating kaugnay ng gagawing validation sa pagtalima ng ating bayan sa pagpapatupad ng clearing operations o pag-aalis ng mga obstruction at iba pang nakakasagabal sa mga pampublikong daan at lugar.

Kanila ring tinukoy ang ispesipikong bahagi ng mga barangay na mayroong mga obstruction na kailangan pang ayusin. Sa darating na Pebrero 2 ay pupulungin naman ng Alkalde ang mga Punong Barangay para sa puspusan pang pagpapatupad ng clearing operations sa ating bayan batay na rin sa ordinansang ipinasa kamakailan lamang at bilang pagsunod sa DILG Memorandum Circular 2020-027 at 2020-145.

Ang Lungsod ng Calamba ang naatasang magsagawa ng cross validation sa bayan ng Los Baños sa darating na Pebrero 23, 2021.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

#DisiplinaMuna

 261 Total Views