MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Ton bumisita sa DTRI UP Los Baños
Published date: May 16, 2023
Mayor Ton bumisita sa DTRI UP Los Baños

Mga Ka-LB, personal po nating binisita ang isinarang daan sa DTRI UP Los Baños tungo Brgy. Tuntungin-Putho, upang suriin at pag-aralan ang mga posibleng measures para mabuksan itong muli.

Ang daanang ito ay convenient para sa marami nating mamamayan, kaya naman nang isarado ito due to health concerns ay tila marami rin ang nadismaya.

Sa ngayon ay gumagawa po tayo ng proposal sa institusyon, upang muli itong mabuksan - under strict guidelines para sa kapakanan ng UPLB at mga mamamayan. Kasama rin dito ang posibilidad ng pagtatalaga ng administrasyon ng modern shuttle service na magsisilbing paraan upang makapasok at makalabas ng nasabing daan.

Babalitaan po namin kayo sa resulta ng magiging pagpupulong. Maraming salamat po!

#TonGenuino #BagongLosBanos

 4721 Total Views

Related:


;