MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS NAMAHAGI NA NG PAHIRAM PUHUNAN SA MGA FLOWER VENDOR PARA SA ARAW NG MGA PUSO
Published date: Feb 16, 2021
TINGNAN: PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS NAMAHAGI NA NG PAHIRAM PUHUNAN SA MGA FLOWER VENDOR PARA SA ARAW NG MGA PUSO

Pormal nang ipinamahagi ngayong umaga ng pamahalaang bayan ng Los Baños ang pahiram na puhunan sa mga flower vendor.

Matatandaang pansamantalang pinahintulutan ang mga flower vendor na pumuwesto sa bisinidad ng Jollibee Crossing, palengke, simbahan at sa bahaging malapit sa Chinabank.

Ang mini Dangwa sa rest area ay bukas rin sa mga magtitinda ng bulaklak para sa paparating na okasyon.

Sinisiguro ng pamahalaang lokal na ang ating mga kababayan ay magkaroon ng oportunidad na magkaroon ng pagkakakitaan upang makapamuhay ng marangal at matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

#SupportLocalFlowerVendors

 151 Total Views

Related: