MENU
Philippine Standard Time:
Alzheimer’s Awareness Day 2026 strengthened awareness, care, and rights for senior citizens (October 5, 2026)
Published date: Oct 5, 2026
Alzheimer’s Awareness Day 2026 strengthened awareness, care, and rights for senior citizens (October 5, 2026)

𝗔𝗟𝗭𝗛𝗘𝗜𝗠𝗘𝗥’𝗦 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗗𝗔𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡, 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔, 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔

Isinagawa ang 𝗔𝗹𝘇𝗵𝗲𝗶𝗺𝗲𝗿’𝘀 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲 bilang bahagi ng 𝗘𝗹𝗱𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗲𝗲𝗸 𝟮𝟬𝟮𝟲 noong Oktubre 5, 2026 (Lunes) sa Los Baños Senior Care Community Center, na dinaluhan ng mahigit 200 kalahok. Isinagawa ito ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 (𝗡𝗖𝗦𝗖) 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗜𝗩-𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀, 𝗔𝗹𝘇𝗵𝗲𝗶𝗺𝗲𝗿’𝘀 𝗗𝗶𝘀𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 (𝗔𝗗𝗔𝗣), 𝗔𝘂𝘀𝘁𝗿𝗮𝗹𝗶𝗮𝗻-𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 (𝗔𝗙𝗖𝗦), 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼𝘀 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 (𝗖𝗙𝗢), 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, at iba pang katuwang na organisasyon.

Naging tampok sa programa ang welcome remarks ni 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗘𝗱𝘄𝗶𝗻 𝗟. 𝗗𝗶𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗰, 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿/𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗜𝗩 ng 𝗡𝗖𝗦𝗖 𝗜𝗩-𝗔, opening remarks ni 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗡𝗲𝗶𝗹 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲𝘄 𝗡. 𝗡𝗼𝗰𝗼𝗻, at mensahe ng suporta ni 𝗦𝗲𝗰. 𝗗𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀 𝗠. 𝗔𝗻𝗴 𝗜𝗜, 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 ng 𝗖𝗙𝗢. Naghatid naman ng saya at sigla ang 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿’𝘀 𝗖𝗵𝗼𝗶𝗿 at 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿𝘀 𝗟𝗶𝗻𝗲 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗘𝘅𝗲𝗿𝗰𝗶𝘀𝗲, na nagbigay ng mas masiglang bahagi sa pagdiriwang.

Tinalakay ni 𝗠𝘀. 𝗟𝗲𝘃𝗶𝘁𝗮 𝗦. 𝗔𝗱𝗲𝗿𝗲𝘀, 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗜𝗩, ang mga benepisyo at pribilehiyo ng senior citizens, habang ibinahagi ng 𝗔𝗙𝗖𝗦 ang mahahalagang kaalaman tungkol sa dementia, mga posibleng senyales, at pangangalaga sa kalusugan ng utak. Kabilang din ang open forum, pamamahagi ng Community Health Information Card, wellness therapeutic massage, intervention at acupuncture ni 𝗗𝗿. 𝗦𝘂𝗻𝘀𝗵𝗶𝗻𝗲 𝗤𝘂𝗶𝗿𝗼𝘇, PhilHealth Registration at YAKAP Registration, at turnover ng libreng gamot sa tulong ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗟𝗚𝗨 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀, 𝗡𝗖𝗦𝗖, at iba pang katuwang.

Sa ilalim ng temang “𝑵𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐: 𝑴𝒂𝒚 𝑯𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏, 𝑴𝒂𝒚 𝑩𝒐𝒔𝒆𝒔 𝒂𝒕 𝑨𝒎𝒃𝒂𝒈 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏,” muling pinatunayan na ang bawat nakatatanda ay may halaga, karapatan, boses, at ambag sa lipunan. Sa Los Baños, patuloy na isinusulong ang isang komunidad na kumikilala, gumagalang, at kumakalinga sa ating mga nakatatanda.

#AlzheimersAwarenessDay2026

#ElderlyFilipinoWeek2026

#DementiaAwareness

#HealthyAging

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 193 Total Views

Related:


;