MILK Program was launched to strengthen maternal and child nutrition in Los Baños (October 6, 2026)
MILK (MAKE INTELLIGENT LOTS OF KIDS) PROGRAM, INILUNSAD PARA SA NUTRISYON NG MGA INA AT BATA SA LOS BAÑOS!
Pormal na inilunsad ang MILK (Make Intelligent Lots of Kids) Program sa Los Baños noong Oktubre 6, 2026 (Martes) sa Municipal Activity Area na nakatuon sa maternal nutrition, pag-iwas sa malnutrisyon at stunting, at suporta sa Republic Act No. 11148 o First 1,000 Days Law. Kabilang dito ang milk assistance, micronutrient supplementation, at paggamit ng locally produced milk upang suportahan ang mga ina at lokal na dairy farmer at kooperatiba.
Pinangunahan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO) na pinamumunuan ni Dr. Alvin I. Isidoro at Municipal Nutrition Action Office (MNAO) na pinamumunuan ni Ms. Madeleine M. Alforja, RND, katuwang ang Order of the Knights of Rizal (KOR) sa pamamahala ni Supreme Commander Sir Emmanuel F. Calairo, KGCR.
Mainit na tinanggap sa bayan ng Los Baños sina Cabinet Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., Former Department of Health (DOH) Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, at Former Cooperative Development Authority (CDA) Assistant Secretary Dr. Virgilio “Boy” Lazaga. Sila ay sinalubong ni Mayor Nocon kasama sina Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Jay A. Rolusta, gayundin sina ABC President Ferdinand “Jec” Vargas at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.
Sa pambungad na mensahe, nagpaabot ng pagbati si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa mga panauhing pandangal at sa lahat ng nakiisa sa paglulunsad. Matapos ay inilahad nya ang kahalagahan ng nutrisyon sa unang 1,000 araw ng mga bata, lalo na sa cognitive development, motor skills, at socialization ng bata. Aniya, ayon sa National Nutrition Council (NNC), 25 porsyento ng mga batang limang taong gulang pababa ay nakakaranas ng stunting, dahilan upang isulong ang MILK Program bilang hakbang sa pagpapalakas ng nutrisyon at pag-iwas sa malnutrisyon.
Nagpasalamat naman si Cabinet Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa malugod na pagtanggap ng bayan ng Los Baños at sinuportahan ang mensahe ni Mayor Nocon sa patuloy na hamon ng stunting sa Pilipinas, kung saan ibinahagi nyang humigit-kumulang isa sa bawat tatlong bata ang nakakaranas nito. Inilahad rin niya ang isang paghahambing na larawan ng brain scans ng mga batang tatlong taong gulang upang ipakita ang epekto ng malnutrisyon sa pag-unlad ng utak, cognition, at pangmatagalang potensyal ng isang bata, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng unang 1,000 araw ng buhay.
Kaugnay nito, ibinahagi ni HRH Nurse Ramon Gutierrez, RN ng DOH CALABARZON at host ng programa, na sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Neil Andrew N. Nocon, nakatanggap ang Municipality of Los Baños ng Nutrition Honor Award (NHA) – Maintainer Category sa 2025 Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC) na ginanap noong Setyembre 24, 2025 sa Acacia Hotel Manila.
Samantala, tinalakay naman ni Former DOH Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa ang kahalagahan ng wastong nutrisyon para sa mga buntis at ipinaliwanag ang mekanismo ng MILK Program sa Los Baños. Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng gatas sa nutrisyon at pagpigil sa stunting, habang binanggit na nasa 25.2% o isa sa bawat apat na bata ang tinatayang stunting rate sa bansa. Aniya, sa Los Baños, nasa 12% ang stunting rate, o humigit-kumulang kalahati ng pambansang antas, kaya magiliw nyang hinamon ang bayan sa tuluyang pagbaba nito tungo sa zero stunting. Nagpaabot din si Dr. Herbosa ng pagbati at espesyal na pasasalamat kay Sir Dr. Michael Raymond Apacible Aragon (KCR) at sa iba pang miyembro ng Knights of Rizal para sa kanilang pakikiisa sa programang nakatuon sa kalusugan at kinabukasan ng mga bata.
Ibinahagi rin ni Dr. Virgilio “Boy” Lazaga, na nagsilbi bilang Assistant Secretary at Board Member ng Cooperative Development Authority (CDA), ang kahalagahan ng pangangalaga sa ina at anak mula pagbubuntis hanggang sa pagkumpleto ng unang 1,000 araw, at tinukoy ang malnutrisyon, stunting o pagiging kulang sa timbang, at mababang cognitive development bilang mahahalagang hamong kailangang sama-samang tugunan.
Nagpaabot naman ng pagbati si Municipal Health Officer Dr. Alvin A. Isidoro, at ipinahayag na bagama’t ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ang kanilang potensyal ay malaki ring nakasalalay sa kalusugan at kalagayan ng kanilang mga magulang. Nagpasalamat siya sa Knights of Rizal, mga panauhing pandangal, mga ina, at sa lahat ng naging bahagi ng paglulunsad.
Sa ngalan naman ni Sir Dr. Emmanuel F. Calairo, nagpaabot si Sir Dr. Joel Tuplano, Deputy Supreme Commander ng Knights of Rizal, ng pasasalamat sa pakikiisa ng lahat at nagpahayag ng pag-asang maipagpatuloy at mapalawak ang ganitong inisyatiba sa iba pang lugar, kabilang ang Rizal.
Nagpaabot din ng mainit na pagtanggap at pagkilala si Vice Mayor Marlo PJ Alipon sa mga panauhin at katuwang ng programa, kalakip ang taos-pusong pasasalamat mula sa Sangguniang Bayan. Binigyang-diin niya na kabilang sa direksyon ng Sangguniang Bayan ang patuloy na pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat Los Bañense, kabilang ang pagpapalakas ng nutrisyon, at tiniyak ang patuloy na pakikiisa ng konseho sa mga programang nagtataguyod sa kalusugan at kapakanan ng mamamayan.
Matapos ay isinagawa ang ceremonial giving of milk, multiple micronutrient supplements, at Nutribaños o fortfified Nutribuns para sa mga pregnant at lactating mothers ng Los Baños, na pinangunahan nina Cabinet Secretary Abalos, Secretary Herbosa, Mayor Nocon, Vice Mayor Alipon, mga opisyal ng Sangguniang Bayan, at Knights of Rizal.
Dinaluhan din ang programa ng mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Virgilio A. Tiongson, Jr. at Chief of Staff Anatoly “Pong” Guinto, mga kinatawan ng DOH CALABARZON, PNP Los Baños sa pangunguna ni LCOL Alexy Sonido, mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Hon. Governor Sol Aragones, UPLB, mga opisyal ng barangay, Barangay Health Workers (BHWs), midwives, media partners kabilang ang Laguna Patrol, PTV4, PIO Laguna, PIA Laguna, Radyo DZLB, LB Times, mga work immersion students, mga ina mula sa ibat ibang barangay ng Los Baños, at iba pang kawani ng pamahalaan.
Sa paglulunsad ng MILK Program, pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagtutok sa nutrisyon bilang puhunan sa kalusugan at kinabukasan. Sa bawat ina at batang natutugunan, isang mas malusog, mas malakas, at mas maunlad na Los Baños ang ating pinangangalagaan.
#LaunchingOfMILKProgram
#MILKProgramInLosBaños
#MakeIntelligentLotsOfKids
#MILKProgram
#NutritionMatters
#First1000Days
#EndStunting
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
