MENU
Philippine Standard Time:
GAD Database refresher training reinforced data-driven gender and development planning (Setyembre 30, 2026)
Published date: Sep 30, 2026
GAD Database refresher training reinforced data-driven gender and development planning (Setyembre 30, 2026)

π—₯π—˜π—™π—₯π—˜π—¦π—›π—˜π—₯ 𝗧π—₯π—”π—œπ—‘π—œπ—‘π—š 𝗒𝗑 π—Ÿπ—’π—¦ 𝗕𝗔Ñ𝗒𝗦 π—šπ—”π—— π——π—”π—§π—”π—•π—”π—¦π—˜ π— π—”π—‘π—”π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§ π—œπ—‘π—™π—’π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—¦π—¬π—¦π—§π—˜π—  (π— π—œπ—¦)

Isinagawa ng Pamahalang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office sa pangunguna ni Ms. Karen Lagat-Mercado, ang Refresher Training on Los Baños GAD Database Management Information System (MIS) nitong Setyembre 30, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Audio-Visual Room (AVR). Dinaluhan ito ng mga GAD Database Focal Person at Alternate Focal Person mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan upang mapalawak at mapagtibay ang kanilang kaalaman sa wastong pamamahala, pag-update, at paggamit ng GAD Database.

Bahagi ang pagsasanay ng pagtugon sa mga kinakailangan para sa National GAD LLH Certification at sa pagpapatupad ng Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women, alinsunod sa Section 37-D ng MCW Implementing Rules and Regulations (IRR) at PCW-DILG-DBM-NEDA Joint Memorandum Circular No. 2013-01, na nag-aatas sa mga Local Government Unit na magtatag at magpanatili ng Gender and Development Database.

Nagsilbing resource speaker si Ms. Karen Lagat-Mercado, na tinalakay ang mahahalagang usapin hinggil sa GAD Database MIS at sa paggamit ng sex-disaggregated data and statistics bilang mahalagang batayan sa gender-responsive planning, policy formulation, at program implementation. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ang paggamit ng maaasahang datos para sa mas angkop na pagpaplano at paghahatid ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng ating bayan.

#RefresherTraining

#LosBañosGADDatabase

#ManagementInformationSystem

#GADDatabaseMIS

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 206 Total Views

Related:


;