MENU
Philippine Standard Time:
Child Development Centers Family Day in Los Baños celebrated family unity, participation, and shared responsibility (September 30, 2026)
Published date: Sep 30, 2026
Child Development Centers Family Day in Los Baños celebrated family unity, participation, and shared responsibility (September 30, 2026)

𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗗𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗔𝗧𝗛 𝗧𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬

Nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama si MSWDO Hanna Erika E. Laviña, sa pagdiriwang ng Los Baños Child Development Centers Family Day at Los Baños Parent Federation Oath Taking Ceremony nitong Setyembre 30, 2026 (Miyerkules) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center sa ilalim ng temang “Stronger Families, Brighter Futures”. Pinangunahan ni Mayor Nocon ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Los Baños Parent Federation, na nagsilbing mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng pakikilahok ng mga magulang sa mga programa para sa kapakanan at pagpapaunlad ng mga bata.

Naging masaya at makabuluhan ang pagtitipon sa pamamagitan ng special presentations at fun and interactive family games na nagbigay ng pagkakataon ng sama-samang pakikilahok. Tampok din ang recognition and awarding of winners bilang pagkilala sa aktibong pakikibahagi at ipinakitang husay sa iba’t ibang gawain, na higit pang nagpatibay sa diwa ng pagkakaisa, pagmamahalan, at pagtutulungan ng mga pamilya sa bayan ng Los Baños.

#ChildDevelopmentCenters

#LBCDCFamilyDay

#LosBañosParentFederation

#OathTakingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 224 Total Views

Related:


;