Bamboo Technology Pitching highlighted innovation for local agriculture and livelihood development (September 30, 2026)
𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗢𝗟𝗢𝗚𝗬 𝗣𝗜𝗧𝗖𝗛𝗜𝗡𝗚: 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗢𝗢 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗢𝗟𝗢𝗚𝗜𝗘𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡
Mas pinalawak ang potensyal ng kawayan bilang bahagi ng makabagong teknolohiya sa isinagawang 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗣𝗶𝘁𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝗶𝗲𝘀 nitong Setyembre 30, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Activity Area. Bahagi ito ng ikatlong araw ng 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗙𝗮𝗶𝗿 ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kaugnay ng pagdiriwang ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵.
Pinangunahan ang programa ni Hon. Muriel Laisa “Mec” B. Dizon, Committee Chair on Health, Nutrition and Sanitation at Committee Chair on Science and Technology, kasama sina 𝗗𝗿. 𝗖𝗮𝗿𝗹 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗟𝗮𝗻𝘁𝗶𝗰𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗙𝗣𝗥𝗗𝗜, 𝗠𝗿. 𝗡𝗲𝗹𝘀𝗼𝗻 𝗟𝗲𝘃𝗶 𝗟𝗮𝗻𝘁𝗶𝗰𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗘𝗡𝗥-𝗘𝗥𝗗𝗕, 𝗮𝘁 𝗙𝗼𝗿. 𝗘𝗺𝗲𝗿 𝗚𝗲𝘀𝘁𝗶𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝗨𝗣𝗟𝗕-𝗕𝗜𝗢𝗧𝗘𝗖𝗛. Sa kanilang pagbabahagi, naipakilala ang mga teknolohiya at iba’t ibang aplikasyon ng kawayan na maaaring maiangkop sa mga pangangailangan ng mga sektor sa agrikultura, produksyon, at kabuhayan.
Nakibahagi sa programa ang 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗴𝘂𝗴𝘂𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 (𝗦𝗜𝗣𝗔𝗚), 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗜𝗺𝗽𝗿𝗼𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗹𝘂𝗯 (𝗥𝗜𝗖), 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗣𝗶𝗴 𝗥𝗮𝗶𝘀𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗟𝗕𝗣𝗶𝗴), 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗙𝗿𝘂𝗶𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗙𝗹𝗼𝘄𝗲𝗿𝘀 𝗚𝗿𝗼𝘄𝗲𝗿𝘀, 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗻𝗱𝗼𝗸 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆, 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗢𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗩𝗲𝗻𝗱𝗼𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗮𝗵𝗮𝘀. Naging pagkakataon ang pagtitipon para maiugnay ang kaalamang pang-agham at teknolohikal sa aktuwal na pangangailangan ng mga magsasaka, growers, raisers, at iba pang lokal na sektor sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
