MENU
Philippine Standard Time:
Friendship for Sustainability Pledge in Los Baños strengthened collaboration for a sustainable future (September 30, 2026)
Published date: Sep 30, 2026
Friendship for Sustainability Pledge in Los Baños strengthened collaboration for a sustainable future (September 30, 2026)

𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡: 𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗙𝗢𝗥 𝗦𝗨𝗦𝗧𝗔𝗜𝗡𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗗𝗚𝗘

Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang 𝗙𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗲𝗱𝗴𝗲 nitong Setyembre 30, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Conference Room, kung saan nagkaisa ang mga kalahok na palakasin ang pagkakaibigan, kooperasyon, at kolaborasyon para sa sustainable development, pangangalaga sa kalikasan, at pangmatagalang partnership. Pinagtibay rin ang paninindigang “𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗶𝘀 𝗮 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲𝗱 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆,” bilang panawagan sa sama-samang pagkilos para sa kalikasan at kinabukasan.

Kinilala rin at pinasalamatan sa programa ang lahat ng naging katuwang sa tatlong araw na 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗙𝗮𝗶𝗿, kaugnay ng pagdiriwang ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, kabilang ang mga exhibitors na 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗕𝗜𝗢𝗧𝗘𝗖𝗛, 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗣𝗖𝗔𝗔𝗥𝗥𝗗, 𝗗𝗘𝗡𝗥-𝗘𝗥𝗗𝗕, 𝗟𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, 𝗥𝗼𝗹𝘆𝗼𝗟𝗶𝗸𝗵𝗮 𝗮𝘁 𝗜𝗯𝗮 𝗣𝗮 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁𝘀, 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝘆𝗻 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁𝘀, 𝗕𝘂𝗲𝗻𝗮𝘃𝗶𝘁𝗮 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝘀 & 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗙𝗮𝗿𝗺, at 𝗧𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼; gayundin sina 𝗠𝗿. 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗖. 𝗣𝗶𝘁𝗮𝗿𝗴𝘂𝗲 𝗝𝗿. ng 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗙𝗣𝗥𝗗𝗜, 𝗗𝗿. 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗼 𝗢. 𝗧𝗲𝘀𝗼𝗿𝗼 at 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗿𝗹𝘆𝗻 𝗥𝗶𝘃𝗲𝗿𝗮 ng 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗣𝗿𝗼𝗳𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝘀 𝗜𝗻𝗰., at 𝗗𝗿. 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗗. 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗮𝗴𝗼 ng 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗣𝗖𝗔𝗔𝗥𝗥𝗗, para sa kanilang mahalagang pakikiisa at ambag sa bamboo development at sustainability.

Naging posible ang tatlong araw na aktibidad sa pangunguna ni 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝘂𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗟𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗕. 𝗗𝗶𝘇𝗼𝗻, at sa pakikipagtulungan ng mga sponsors na 𝗕𝗶𝗴 𝗕𝗲𝗹𝗹𝘆’𝘀, 𝗕𝗼𝗻𝗰𝗵𝗼𝗻, 𝗦𝗲𝗹𝗶𝗻𝗮’𝘀, 𝗘𝗮𝘁𝘀𝘂𝗺𝗼 𝗧𝗲𝗿𝗶𝗵𝗮𝘂𝘀, 𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗮, 𝗗𝗮𝗹𝗰𝗶𝗲𝗹𝗼, 𝗟𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, at 𝗧𝗵𝗲 𝗘𝗰𝗼 𝗦𝗵𝗶𝗳𝘁. Sa pagtatapos ng pagdiriwang, ang pagkakaibigan ay nagsilbing tulay tungo sa sama-samang malasakit at pagkilos para sa kalikasan at sa bayan.

#FriendshipForSustainabilityPledge

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 185 Total Views

Related:


;