PhilHealth Caravan expanded access to healthcare services in Lalakay (October 2, 2026)
𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗘𝗡𝗦𝗘: 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬
Mas pinalawak ang access sa mga serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayang Los Bañense sa isinagawang PhilHealth Caravan nitong ika-2 ng Oktubre 2026 (Biyernes) sa Camp General Macario Sakay, Barangay Lalakay. Pinangunahan ito ng PhilHealth Calamba at PhilHealth YAKAP, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Alvin Isidoro, at sa buong suporta ng Pamahalaang Barangay Lalakay sa pamamahala ni Punong Barangay Hon. Leticia Concepcion, katuwang ang iba pang opisyal ng barangay kabilang si Kagawad Hon. Cristopher Revilleza.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa mga mamamayan ang PhilHealth membership registration, membership renewal, updating ng Member Registration Form, medical check-up, fluoride application para sa daycare students, TB screening, cervical cancer screening, clinical breast examination, at iba pa. Sa pamamagitan ng caravan, naging mas abot-kamay ang mga serbisyong nakatuon sa maagang pagtukoy at pag-iwas sa sakit, gayundin sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan tungo sa isang mas malusog at mas matatag na komunidad.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
