National Teachers’ Month was marked with appreciation and direct services for Los Bañense teachers at Ugnayan Serbisyong Diretso sa Tao Program (October 2, 2026)
𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗥𝗢: 𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗧𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦’ 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛
Bilang bahagi ng paggunita sa 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀’ 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, isinagawa nitong ika-2 ng Oktubre 2026 (Biyernes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center ang 𝗨𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻: 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗶𝗿𝗲𝘁𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼, isang makabuluhang pagtitipon 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 na nagsilbing taos-pusong pagkilala at pasasalamat sa mga gurong walang sawang naglalaan ng panahon, malasakit, at dedikasyon sa paghubog ng bawat kabataang Los Bañense.
Pinangunahan ito ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama sina Hon. Aldous Amiel Perez at Hon. Jay Rolusta, katuwang si DepEd Schools District Supervisor Dr. Soledad Villanueva, at sina MPDC Ms. Twila Torres, MNAO Ms. Madeleine Alforja, OIC-LYDO Ms. Revilyn Perez, kasama ang iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan mula sa iba’t ibang departamento.
Naging masigla rin ang programa sa pamamagitan ng presentation of talents, kabilang ang 𝗧𝗵𝗲 𝗩𝗼𝗶𝗰𝗲 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀’ 𝗘𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿𝘀. Bilang bahagi ng serbisyong hatid sa mga guro, isinagawa rin ang 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗶𝗿𝗰𝘂𝘁, 𝗺𝗮𝗻𝗶𝗰𝘂𝗿𝗲, 𝗽𝗲𝗱𝗶𝗰𝘂𝗿𝗲, 𝗺𝗮𝘀𝘀𝗮𝗴𝗲, 𝗺𝗮𝗸𝗲𝘂𝗽, 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗽𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 na nagbigay ng pagkakataong makapagpahinga at maiparamdam ang pagpapahalaga sa kanilang mahalagang ambag sa edukasyon at paghubog sa kinabukasan ng mga mag-aaral na Los Bañense.
Pagbati sa mga natatanging guro ng Los Baños sa 𝗧𝗵𝗲 𝗩𝗼𝗶𝗰𝗲 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀’ 𝗘𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲:
1ST PLACE: Ms. Christine Dumancas (Lalakay SHS)
2ND PLACE: Ms. Sheryl Yema (Lalakay ES)
3RD PLACE: Ms. Maria Cristina Torio (BN Calara ES)
Higit sa lahat, isang mainit na pagpupugay sa ating mga guro! 𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀’ 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵!
#UgnayanSerbisyongDiretsoSaTao
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
