MENU
Philippine Standard Time:
Angkas Moto Taxi onboarding opened new opportunities for additional income in Los Baños (October 2, 2026)
Published date: Oct 2, 2026
Angkas Moto Taxi onboarding opened new opportunities for additional income in Los Baños (October 2, 2026)

𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡: 𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦 𝗠𝗢𝗧𝗢 𝗧𝗔𝗫𝗜 𝗢𝗡𝗕𝗢𝗔𝗥𝗗𝗜𝗡𝗚

Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ginanap na 𝗢𝗻𝗯𝗼𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗘𝘅𝘁𝗿𝗮 𝗞𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗴𝗸𝗮𝘀 𝗠𝗼𝘁𝗼 𝗧𝗮𝘅𝗶 nitong ika-2 ng Oktubre 2026 (Biyernes) sa Municipal Activity Area. Hangad nitong magbigay ng karagdagang oportunidad sa mga interesadong maging bahagi ng Angkas Moto Taxi. Pinangunahan ang seminar ni Mr. Dave Macajilos, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon at gabay kaugnay sa pagsisimula bilang Angkas Moto Crew.

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, patuloy na nakikiisa ang Pamahalaang Bayan sa 𝗔𝗻𝗴𝗸𝗮𝘀 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗻̃𝗼𝘀, 𝗔𝗻𝗴𝗸𝗮𝘀 𝗠𝗼𝘁𝗼 𝗖𝗿𝗲𝘄, 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝘂 𝗚𝗮𝗺𝗺𝗮 𝗣𝗵𝗶 𝗝𝘂𝗻𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 sa pagbubukas ng mga oportunidad para sa dagdag na kita at kabuhayan. Sa ganitong pagtutulungan, mas napapalawak ang mga pagkakataon para sa mga Los Bañense na magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan at mas mapatatag ang kanilang kabuhayan.

#AngkasLosBaños

#AngkasMotoTaxi

#AngkasMotoCrew

#ExtraKita

#OnboardingSeminar

#TauGammaPhi

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 177 Total Views

Related:


;