MENU
Philippine Standard Time:
Misa sa Mercado brought vendors and the market community together in prayer and fellowship (October 3, 2026)
Published date: Oct 3, 2026
Misa sa Mercado brought vendors and the market community together in prayer and fellowship (October 3, 2026)

๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—–๐—”๐——๐—ข: ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—˜ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ง

Ginanap ang ika-limang (5) Misa sa Mercado nitong Oktubre 3, 2026 (Sabado) sa Batong Malake Public Market (BMPM). Pinangunahan ni Rev. Fr. Glorioso “Yoyo” Salvatierra, SVD ang banal na misa na naging pagkakataon para sa mga vendors at market community na magsama-sama sa pananalangin, pasasalamat, at pagpapatibay ng pagkakaisa.

Ang programa ay inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pangunguna ng Municipal Economic Enterprise Market sa pamamahala ni Market Supervisor Mr. Jonard Pua, kasama si Market Consultant Ms. Maria Carlyn E. Medel, at ang mass sponsorship ng Eatery Section, sa pangunguna ni Ms. Lanibeth Inocencio, at Fish Section, sa pangunguna Ms. Zoila Garcia.

Taos-pusong pasasalamat rin ang ipinaabot sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagdaraos ng misa kabilang sina Dr. Joel Adorada, Center Chief ng BPI-LBNCRDC, para sa mga halamang ipinagkaloob para sa misa; sa Batong Malake Public Market Vendors Association (BMPMVA) sa pangunguna ni President Clarita Basye; sa San Antonio de Padua Parish Church Servers; sa Municipal Tourism Office, Municipal Engineering Office, Office of the Municipal Agriculturist, General Services Office (GSO), Public Information Office (PIO) at lahat ng nakiisa sa banal na pagdiriwang. Sa pagkakaisang nabuo sa pamamagitan ng panalangin, mas napagtitibay ang ugnayan ng bawat sektor para sa isang maayos at maunlad na pamilihan.

#MisaSaMercado

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 192 Total Views

Related:


;