MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (1st Monday of October 2026)
Published date: Oct 5, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (1st Monday of October 2026)

๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—›๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—ง, ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ, ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—•๐—”Ñ๐—ข๐—ฆ

Sa unang Lunes ng Oktubre 2026, muling nagsama-sama ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa lingguhang ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—ฅ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†, sa pamumuno ni ๐—ž๐—ด๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—ก๐—ฒ๐—ถ๐—น ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜„ ๐—ก. ๐—ก๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐—ป. Pinangunahan ang seremonya ng ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ป๐˜๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ผ sa pamumuno ni ๐—ž๐—ด๐—ด. ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—น๐˜† ๐—–. ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€, kung saan iniulat ni Kagawad Kgg. Vida G. Lawas, kasama ang mga opisyal at kawani ng barangay, ang mga naging tagumpay at mahahalagang gawain ng San Antonio bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyo sa mga Los Bañense.

Pinangunahan naman ng Human Resource Management Office (HRMO), sa pamamahala ni HRMO Miraflor O. Tado, ang pagkilala sa mga naging bahagi ng ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ bilang bahagi ng pagdiriwang ng ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€. Pinarangalan ang mga natatanging lingkod-bayan na naglaan ng 10, 15, 20, 30, at 35 taon ng tapat na paglilingkod sa publiko.

Sa kanyang mensahe, nagbigay-pagpupugay si Mayor Nocon sa mga kawani at kinilala ang kanilang mahalagang ambag sa mga patuloy na tagumpay ng bawat tanggapan at barangay. Dumalo sa sermonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, na kinatawan nina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Benedicto S. Alborida, at Hon. Jay A. Rolusta, kasama ang mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Virgilio A. Tiongson, Jr. at Chief of Staff Mr. Anatoly “Pong” Guinto, gayundin ang DILG Family, PNP, BFP, BJMP, PCG, mga work immersion students, at iba pang kawani ng pamahalaan.

Sa sama-samang pagkilos at pakikiisa, muling naipamalas ang diwa ng paglilingkod, pagkilala, at pagtutulungan para sa patuloy na paghahatid ng ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐˜€๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ sa bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 210 Total Views

Related:


;