BNAP replanning brought nutrition programs and barangay priorities into closer alignment (September 29, 2026)
๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ก๐ข ๐ฆ๐ ๐ก๐จ๐ง๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก: ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ก๐จ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐๐๐ก (๐๐ก๐๐ฃ) ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ก๐ก๐๐ก๐ ๐๐ง ๐๐๐ฅ๐ ๐ข๐ก๐๐ญ๐๐ง๐๐ข๐ก
Pinagtuunan ng pansin ang pagpapahusay at pagtutugma ng mga plano at programa para sa nutrisyon sa isinagawang ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป (๐๐ก๐๐ฃ) ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฎ๐ฟ๐บ๐ผ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ nitong Setyembre 29, 2026 (Martes) sa Municipal Multipurpose Hall. Pinangunahan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) na pinangungunahan ni Ms. Madeleine M. Alforja, RND, katuwang si Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Committee Chair on Health, Nutrition and Sanitation.
Kabilang sa aktibidad ang ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป (๐๐ก๐๐ฃ) ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ป๐ถ๐ป๐ด, na pinangasiwaan nina Ms. Pamela A. Gonzales, BIDA Project Leader; Ms. Katrina F. Baluyot, BMIS Project Leader; at Ms. Jomaica Yvonne R. De Joya, PNEA staff. Tinalakay sa bahaging ito ang pagrerepaso at pag-aangkop ng mga nakalatag na plano at aktibidad sa nutrisyon, bago isinagawa ang workshop sa pangunguna ni Mr. King Niño B. Manzano, DCO Specialist, kung saan naging bahagi ang aktuwal na pagbuo at pag-aayos ng mga kinakailangang output para sa BNAP.
Isinagawa rin ang ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป (๐๐ก๐๐ฃ) ๐๐ผ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ป๐๐ฒ๐๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป (๐๐๐๐ฃ) ๐๐ฎ๐ฟ๐บ๐ผ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, na pinangunahan nina Ms. Jaidee P. Agne, PNEA Project Leader; at Ms. Pamela A. Gonzales, BIDA Project Leader. Nakatuon ang bahaging ito sa pagtutugma ng mga programa, aktibidad, at panukalang interbensyon sa nutrisyon sa mga prayoridad at investment ng barangay, na sinundan ng workshop at presentation of outputs ng BIDANI staff. Nagtapos ang programa sa closing remarks ni Nutrition Consultant Dr. Maria D. Cerezo, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng maayos na pagpaplano at koordinasyon para sa mas sistematiko at magkakaugnay na mga hakbangin. Sa patuloy na pagtutulungan ng mga katuwang sa nutrisyon, pinagtibay ang mga planong nakatuon sa mas maayos at sustenableng pagtugon sa pangangailangan ng bawat barangay.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
