Bamboo Technology Forum showcased new possibilities for bamboo processing and production (September 29, 2026)
𝗞𝗔𝗪𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗧𝗘𝗞𝗡𝗢𝗟𝗢𝗛𝗜𝗬𝗔: 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗢𝗢 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗢𝗟𝗢𝗚𝗬 𝗙𝗢𝗥𝗨𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗢𝗕𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡
Naging sentro ng 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺 nitong Setyembre 29, 2026 (Martes) sa Municipal Activity Area ang pagbabahagi ng kaalaman sa makabagong teknolohiya at iba’t ibang aplikasyon ng kawayan. Bahagi ito ng ikalawang araw ng 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗙𝗮𝗶𝗿 ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵. Pinangunahan ang programa ni Hon. Muriel Laisa “Mec” B. Dizon, Committee Chair on Health, Nutrition and Sanitation at Committee Chair on Science and Technology, kasama sina Dr. Maria Cielito H. Siladan, Engr. James Anthony J. Chan, at Ms. Margie Dizon ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆–𝗙𝗼𝗿𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝘀 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲 (𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗙𝗣𝗥𝗗𝗜).
Sa talakayan, naibahagi ang mahahalagang proseso sa mula sa paghahanda nito bilang hilaw na materyales hanggang sa pagproseso, produksyon, at pagpapahusay ng mga produktong kawayan, gayundin ang mga posibilidad sa pagpapalawak ng halaga nito bilang materyales para sa iba’t ibang produkto. Naging masigla din ang open forum sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral at guro mula sa 𝗖𝗼𝗹𝗲𝗴𝗶𝗼 𝗱𝗲 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 (𝗖𝗗𝗟𝗕), 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗕𝗮𝘆𝗼𝗴 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗮𝘁 𝗟𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 na nagbigay-daan sa mas malayang palitan ng kaalaman, tanong, at pananaw tungkol sa teknolohiya at mga posibilidad sa paggamit ng kawayan. Matapos ang forum, isinagawa ang paglilibot sa Bamboo Trade Fair booths, kung saan nasaksihan ng mga kalahok ang iba’t ibang produktong kawayan at mga konkretong halimbawa ng paggamit ng teknolohiya upang higit pang mapaunlad ang kawayan bilang materyales at produktong may karagdagang halaga.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
