MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños planted bamboo at Quarry Bambang in celebration of Philippine Bamboo Month (September 29, 2026)
Published date: Sep 29, 2026
Los Baños planted bamboo at Quarry Bambang in celebration of Philippine Bamboo Month  (September 29, 2026)

𝗞𝗔𝗪𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡: 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗢𝗢 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗥𝗬 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗢𝗢 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛

Isinagawa nitong Setyembre 29, 2026 (Martes) sa Quarry Bambang, Los Baños, Laguna ang Bamboo Tree Planting bilang bahagi ng paggunita sa Philippine Bamboo Month at ng mga aktibidad kaugnay ng Los Baños Bamboo Trade Fair. Pinangunahan ito nila Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at Hon. Muriel Laisa B. Dizon, kasama sina Municipal Engineer Ricky Estopace, GSO Engr. Raymond Joseph Paraiso, at mga kinatawan mula sa Office of the Municipal Agriculturist (OMA), Gender and Development Office (GAD), Sangguniang Bayan (SB), Municipal Engineering Office (MEO), General Services Office (GSO), iba pang tanggapan ng Pamahalaang Bayan, at mga opisyal at kawani ng iba't ibang barangay.

Naging katuwang sa aktibidad si Mr. Neb Perez ng Tatag Bamboo, na nagbigay ng suporta at sponsorship para sa gawaing nagtataguyod ng bamboo development. Isinulong ng pagtatanim ang pagpapalawak ng mga gawaing pangkalikasan at pagpapahalaga sa kawayan bilang mahalagang likas na yaman, kasabay ng pagsusulong sa pagkakakilanlan ng bayan ng Los Baños bilang isang Special Science and Nature City.

#BambooTreePlanting

#PhilippineBambooMonth

#LosBañosBambooTradeFair

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 282 Total Views

Related:


;