Los Baños launched its first bamboo trade fair to showcase local products and innovations (September 28, 2026)
𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗢𝗢 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗙𝗔𝗜𝗥, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔!
Pormal nang binuksan ngayong Setyembre 28, 2026 (Lunes) sa Municipal Activity Area ang kauna-unahang 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗙𝗮𝗶𝗿 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵. Dumalo at nagpaabot ng suporta sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at Hon. Jay A. Rolusta. Naging bahagi rin ng programa ang mga mensahe mula kina 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗿𝗹𝘆𝗻 𝗥𝗶𝘃𝗲𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗣𝗿𝗼𝗳𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝘀 𝗜𝗻𝗰., 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, 𝗠𝗿. 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗖. 𝗣𝗶𝘁a𝗿𝗴𝘂𝗲 𝗝𝗿. 𝗻𝗴 𝗗𝗢𝗦𝗧 𝗙𝗣𝗥𝗗𝗜, 𝗗𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗢𝗦𝗧 𝗣𝗖𝗔𝗔𝗥𝗥𝗗, 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗠𝘀. 𝗘𝗺𝗲𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗣. 𝗕𝗮𝗴𝘀𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗗𝗢𝗦𝗧 𝟰𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡, at 𝗠𝗿. 𝗘𝗱𝗴𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.
Tampok sa trade fair ang iba’t ibang produkto, inobasyon, teknolohiya, at malikhaing gawa mula sa kawayan. Kabilang sa mga exhibitors ang 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗕𝗜𝗢𝗧𝗘𝗖𝗛, 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗣𝗖𝗔𝗔𝗥𝗥𝗗, 𝗗𝗘𝗡𝗥-𝗘𝗥𝗗𝗕, 𝗟𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, 𝗥𝗼𝗹𝘆𝗼𝗟𝗶𝗸𝗵𝗮 𝗮𝘁 𝗜𝗯𝗮 𝗣𝗮 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁𝘀, 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝘆𝗻 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁𝘀, 𝗕𝘂𝗲𝗻𝗮𝘃𝗶𝘁𝗮 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝘀 & 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗙𝗮𝗿𝗺, 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼. Opisyal na minarkahan ang pagbubukas ng trade fair sa pamamagitan ng ceremonial ribbon untying, na sinundan ng pagbisita at pagtuklas sa iba’t ibang gamit, disenyo, at inobasyong maaaring likhain mula sa kawayan.
Naging posible ang aktibidad sa pangunguna ng 𝗢𝗽𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝘂𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗟𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗕. 𝗗𝗶𝘇𝗼𝗻, katuwang ang tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Cheryll L. Gonzales, iba pang mga tanggapan ng Pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng mga exhibitors at sponsors na 𝗕𝗶𝗴 𝗕𝗲𝗹𝗹𝘆’𝘀, 𝗕𝗼𝗻𝗰𝗵𝗼𝗻, 𝗦𝗲𝗹𝗶𝗻𝗮’𝘀, 𝗘𝗮𝘁𝘀𝘂𝗺𝗼 𝗧𝗲𝗿𝗶𝗵𝗮𝘂𝘀, 𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗮, 𝗗𝗮𝗹𝗰𝗶𝗲𝗹𝗼, 𝗟𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, at 𝗧𝗵𝗲 𝗘𝗰𝗼 𝗦𝗵𝗶𝗳𝘁.
Bukas ang 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗙𝗮𝗶𝗿 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟴–𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗿𝗲𝗮. Halina at tuklasin ang mga produktong kawayan at likhang lokal!
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
