Twenty-two (22) public schools in Los Baños received metal detectors to enhance campus security (September 26, 2026)
𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚: 𝟮𝟮 𝗠𝗘𝗧𝗔𝗟 𝗗𝗘𝗧𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗦, 𝗜𝗡𝗜𝗧𝗨𝗥𝗡-𝗢𝗩𝗘𝗥.
Mas pinagtibay ang mga hakbang para sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at school personnel sa Los Baños sa pamamagitan ng 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿 𝗼𝗻 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹-𝗯𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗼𝗰𝗼𝗹 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗿𝗻𝗼𝘃𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝟮𝟮 𝗺𝗲𝘁𝗮𝗹 𝗱𝗲𝘁𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝘀 para sa mga pampublikong elementarya at high school nitong Setyembre 26, 2026 (Sabado) sa Municipal Multipurpose Hall (MPH). Pinangunahan ito ng 𝗥𝗼𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗖𝗹𝘂𝗯 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴, sa pamumuno ng President nito at ating Municipal Agriculturist Ms. Cheryll T. Laviña-Gonzales. Naging resource person ng aktibidad si Retired Brigadier General Edwin D. Ronan, habang nagpaabot naman ng inspirational message si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Dinaluhan rin ito ng mga School Security Personnel, Principals, at Administrative Officers.
Kabilang sa 22 mga pampublikong elementarya at high schools sa Los Baños na pinagkalooban ng Rotary Club Los Baños Makiling ng tig-iisang metal detector bilang karagdagang security measure ang Bagong Silang Elementary School, Bambang Elementary School, Bayog Elementary School, Bernardo N. Calara Elementary School, Lalakay Elementary School, Lopez Elementary School, Los Baños Central Elementary School, Maahas Elementary School, Malinta Elementary School, Mayondon Elementary School, Paciano Rizal Elementary School, San Antonio Elementary School, Tadlac Elementary School, Bambang Senior High School, Bayog Senior High School, Bernardo M. Calara Integrated Senior High School, Lalakay Senior High School, Los Baños Integrated School, Los Baños National High School - Batong Malake, Los Baños National High School - Poblacion, Los Baños Senior High School - San Antonio, at Tuntungin-Putho National High School.
Matapos ang programa, pinangunahan ni Mayor Nocon ang tour sa Operations Center (OPCEN) kung saan ipinakita nya ang CCTV cameras at iba pang security mechanisms ng Pamahalaang Bayan. Namahagi rin ng mga materyales na naglalaman ng mahahalagang hotlines at impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng munisipyo bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman at access ng school community sa mga serbisyong may kaugnayan sa seguridad at agarang pagtugon.
Para sa mas ligtas na paaralan at mas panatag na pamayanan, patuloy ang pagpapatibay ng mga hakbang pangseguridad sa Los Baños.
#SchoolBasedViolencePrevention
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
