PhilHealth Caravan brought essential health services closer to Tadlac residents (September 25, 2026)
𝗗𝗜𝗥𝗘𝗞𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗗𝗟𝗔𝗖!
Naging sentro ng mahahalagang serbisyong medikal ang Barangay Tadlac Covered Court sa isinagawang PhilHealth Caravan nitong Setyembre 25, 2026 (Huwebes). Pinangunahan ito ng PhilHealth Calamba at PhilHealth YAKAP, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Alvin Isidoro, kasama ang HealthServ Los Baños Medical Center at sa suporta ng Pamahalaang Barangay Tadlac sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Jaime B. Buendia.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa mga mamamayan ang PhilHealth membership registration at renewal, updating ng Member Registration Form, medical check-up, fluoride application para sa daycare students, TB screening, cervical cancer screening, clinical breast examination, at iba pang serbisyong pangkalusugan. Sa patuloy na pagdadala ng serbisyo sa mga barangay, mas napapadali para sa mga Los Bañense ang pagkuha ng kinakailangang pangangalaga at serbisyong makatutulong sa pagpapanatili ng malusog na pamayanan.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
