MENU
Philippine Standard Time:
Newly Hired and Promoted Employees Took Oath of Service in Los Baños (September 21, 2026)
Published date: Sep 21, 2026
Newly Hired and Promoted Employees Took Oath of Service in Los Baños (September 21, 2026)

Matagumpay na naisagawa ang panunumpa ng mga newly hired at promoted employees ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa Office of the Mayor, sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama si Human Resource Management Officer Ms. Miraflor Tado nitong ika-21 ng Setyembre 2026 (Lunes).

Ang kanilang panunumpa ay hudyat ng panibagong yugto ng paglilingkod at mas malaking responsibilidad bilang mga kawani ng pamahalaang bayan. Kasabay nito ang patuloy na hamon na maglingkod nang may integridad, dedikasyon, propesyonalismo, at malasakit sa bawat mamamayan ng Los Baños.

Mainit na pagbati sa ating mga bagong kawani at sa mga na-promote! Nawa'y patuloy ninyong isabuhay ang tunay na diwa ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo publiko.

Congratulations and continue serving the people of Los Baños with excellence and dedication!

#MunicipalityOfLosBaños

#OathTaking

#PublicService

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 226 Total Views

Related:


;