Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of September 2026)
๐๐๐ก๐๐๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ช๐๐ง๐๐ช๐๐ง ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ
Pinangunahan ng Barangay Mayondon ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ngayong Setyembre 21, 2026.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Danilo Apolinario, ibinahagi ang mahahalagang programa, proyekto, at mga natamong tagumpay ng Barangay Mayondon para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.
Dumalo rin sa seremonya ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, kasama sina Konsehal Jay Rolusta at Konsehal Rand Edouard De Jesus. Sa kanilang mga mensahe, ipinaabot nila ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nag-ambag sa matagumpay na pagdaraos ng katatapos lamang na 25th Bañamos Hotspring Baths Festival.
Nagbigay rin ng mensahe si Mayor Neil Andrew N. Nocon, na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pagkakaisa, mahusay na paglilingkod, at sama-samang pagtatrabaho upang higit pang maisulong ang pag-unlad ng bayan at kapakanan ng bawat mamamayang Los Baños.
Nakiisa rin sa programa ang DILG Family, ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology, gayundin ang mga department at unit heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Virgilio A. Tiongson, Jr., Chief of Staff Mr. Pong Guinto, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños.
Ang lingguhang seremonya ay patuloy na nagsisilbing paalala ng ating pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod para sa mamamayan.
Related:
-
Most Viewed Article
