MENU
Philippine Standard Time:
Kamikazee Powered a Rock-Filled Finale to the 25th Bañamos Festival Grand Revelry (September 19, 2026)
Published date: Sep 19, 2026
Kamikazee Powered a Rock-Filled Finale to the 25th Bañamos Festival Grand Revelry (September 19, 2026)

𝗞𝗔𝗠𝗜𝗞𝗔𝗭𝗘𝗘 𝗦𝗔 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗩𝗘𝗟𝗥𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔Ñ𝗢𝗦!

𝗥𝗮𝗸 𝗲𝗻 𝗿𝗼𝗹𝗹 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝘆𝗮, 𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱-𝗻𝗼𝘀𝘁𝗮𝗹𝗴𝗶𝗮, 𝗮𝘁 𝗿𝗲𝗹𝗮𝗽𝘀𝗲 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮! Ganito ang atake ng 𝗞𝗮𝗺𝗶𝗸𝗮𝘇𝗲𝗲 (𝗞𝗠𝗞𝗭) bilang main artist sa 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗹𝗿𝘆 sa huling araw ng 25th Bañamos Festival. Lahat ay kasali sa tugtugan, talunan, at sigawan sa kanilang walang-kupas na rock hits at todo-bigay na performances sa General Paciano Rizal Park nitong Setyembre 19, 2026 (Sabado). Sa “𝗡𝗮𝗿𝗱𝗮,” “𝗛𝗮𝗹𝗶𝗸,” “𝗠𝗮𝗿𝘁𝘆𝗿 𝗡𝘆𝗲𝗯𝗲𝗿𝗮,” at kanilang ibang pang kanta ay muling nabuhay ang mga alaalang binalikan ng bawat nakisaya.

Pinasigla rin ang entablado ng mga mahuhusay na 𝗹𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗿𝘁𝗶𝘀𝘁𝘀 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝗻𝗮 𝗗𝗮𝗶𝘀𝘆, 𝗠𝗶𝗻𝗱𝘀𝗲𝘁, 𝗣𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝗦𝗶𝘅, 𝗦𝗲𝘆𝗼𝗼, 𝗢𝗻𝗶𝗶𝗰𝗵𝗮𝗻, 𝗦𝗲𝗹𝗮𝗵 𝗣𝗛, 𝗮𝘁 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗟𝗶𝗸𝗲𝗠𝗼𝗿𝘁𝘆. Bawat grupo ay naghatid ng kani-kanilang tunog at istilo, dagdag sa isang gabing puno ng musika at saya. Pinangunahan nila Host Jam Avellano at Sir Marvin Canaria ang programa ng masiglang pagdiriwang.

Maraming salamat sa 𝗞𝗠𝗞𝗭, sa ating mga mahuhusay na local artists, at sa lahat ng dumalo at nakisabay sa tugtugan! Sa makukulay na fireworks display, nagtapos ang gabi na puno ng musika, nostalgia, at saya, isang grand finale na mananatili sa alaala ng Los Baños.

𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗕𝗮ñ𝗮𝗺𝗼𝘀, 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮ñ𝗼𝘀!

 

#GrandRevelry

#KMKZLosBaños

#KMKZatLB

#Kamikazee

#25thBañamosFestival

#411thLosBañosFoundingAnniversary

#Bañamos2026Day3

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 267 Total Views

Related:


;