Padyak LB United Cyclists for the Final Day of Bañamos 2026 (September 19, 2026)
𝗣𝗘𝗗𝗔𝗟 𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥, 𝗕𝗔Ñ𝗔𝗠𝗢𝗦 𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧! 𝗣𝗔𝗗𝗬𝗔𝗞 𝗟𝗕, 𝗧𝗢𝗗𝗢 𝗛𝗔𝗧𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪! 
Puno ng adrenaline rush ang pagsisimula ng ikatlo at huling araw ng 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗕𝗮ñ𝗮𝗺𝗼𝘀 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 sa ginanap na 𝗣𝗮𝗱𝘆𝗮𝗸 𝗟𝗕 nitong Setyembre 19, 2026 (Sabado). Umarangkada ang mga kalahok mula Lakewood Subdivision, tinahak ang ruta sa Barangay Tadlac, Lalakay, Timugan, Anos, Batong Malake, UPLB Gate, CSI, UPLB Library, Carillon Tower, Pili Drive, Buot, Tuntungin-Putho, IRRI, UPOU, South Supermarket, Sto. Domingo Bay, Silangan Bayog, Kanluran Bayog, Mayondon, at Malinta, bago nagtapos sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center.
Pinangunahan ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon ang aktibidad, sa suporta ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na naghatid ng aktibong pamumuhay at pakikilahok. 𝗦𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗱𝘆𝗮𝗸, 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆-𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘂𝗺𝘂𝘀𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗱𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮ñ𝗮𝗺𝗼𝘀, patungo sa mga huling kaganapan ng makulay na pagdiriwang ng Los Baños.
#411thLosBañosFoundingAnniversary
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
