MENU
Philippine Standard Time:
25th Bañamos Festival Commenced With Thanksgiving Mass and Prayerful Celebration (September 17, 2026)
Published date: Sep 17, 2026
25th Bañamos Festival Commenced With Thanksgiving Mass and Prayerful Celebration (September 17, 2026)

PANANALANGIN AT PASASALAMAT SA PAGSALUBONG NG 25TH BAÑAMOS FESTIVAL

Pormal na sinimulan ng bayan ng Los Baños ang paggunita sa ika-411 Founding Anniversary nito at pagdiriwang ng 25th Bañamos Festival ngayong Setyembre 17, 2026 (Huwebes), sa pamamagitan ng isang Thanksgiving Mass na pinangunahan ng Roman Catholic Diocese of San Pablo – Immaculate Conception Parish. Sa temang “Honoring Heritage, Sustaining Traditions, Rekindling the Los Baños Spirit,” naging makahulugan ang pagbubukas ng selebrasyon bilang pagpupugay sa makulay na kasaysayan, kultura, at mga tradisyong patuloy na nagbibigay-kulay sa pagkakakilanlan ng mga Los Bañense.

Pinangunahan ang banal na pagdiriwang nila Kura Paroko Rev. Msgr. Jose D. Barrion, PC, kasama sina Rev. Fr. Carl Angelo Pua, at Rev. Fr. Leandro "Doy" Bariring, Jr. Nakiisa sa mataimtim na paggunita ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, kasama si 2nd District of Laguna Provincial Board Member Hon. Ninoy Bagnes, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega. Buong puso ring nakiisa ang mga pinuno ng iba’t ibang Departamento, mga kawani ng munisipyo, mga lider ng barangay, at mga mamamayang Los Bañense bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pananampalataya.

Higit sa isang selebrasyon, ang pagsisimula ng 25th Bañamos Festival ay isang panibagong paalala na ang kasaysayan ng bayan ay ating pinahahalagahan, ang tradisyon ay ating ipinagpapatuloy, at ang diwa ng Los Bañense ay patuloy na nagkakaisa sa bawat yugto ng panahon.

#ThanksgivingMass

#25thBañamosFestival

#411thLosBañosFoundingAnniversary

#Bañamos2026Day1

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 288 Total Views

Related:


;