MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park feat. Kuya Joel & Co. and talented Los Bañenses (September 11, 2026)
Published date: Sep 11, 2026
Los Baños Sunset at the Park feat. Kuya Joel & Co. and talented Los Bañenses (September 11, 2026)

Himig ng musika at ganda ng dapithapon ang muling nagsanib sa General Paciano Rizal Park para sa “Los Baños Sunset at the Park” nitong Setyembre 11, 2026 (Biyernes). Tampok ang Kuya Joel and Co. at talento ng mga Los Bañense na naghatid ng masiglang pagtatanghal para sa isang hapon ng saya at pagpapahinga.

Hatid ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, ang programa ay bahagi ng pagsusulong ng mga gawaing nagbibigay-buhay sa mga pampublikong espasyo at nagpapakilala sa destino at turismo ng Los Baños.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 201 Total Views

Related:


;