1Health Seminar 2026 Promotes One Health Approach for Sustainable Swine and Poultry Production (September 9, 2026)
Aktibong nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pagsasagawa ng “The 1Health Seminar 2026: Promoting One Health for Sustainable Swine and Poultry Production” nitong Setyembre 9, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Audiovisual Room. Bahagi ito ng One Human Environment Animal Linkage for Total Health (1HEALTH) Project, na binuo ng pagtutulungan ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) Climate and Disaster Risks Studies Center (CDRSC), UPLB School of Environmental Science and Management (SESAM), UPLB Foundation, Inc. (UPLBFI), ang Australian Centre for International Agricultural Research (ACIAR), International Development Research Centre (IDRC) o Centre de recherches pour le développement international (CRDI) at iba pang mga katuwang na organisasyon.
Dumalo at nagpaabot ng suporta sa pagsisimula ng tatlong araw na programa si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama sina Municipal Agriculturist Ms. Cheryl L. Gonzales, Veterinarian II Dr. Maria Filipina Lorenzo, Agriculturist I Andrei A. Fabella, at iba pang mga kawani kabilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa mga programang nasusulong ng mga responsableng pamamaraan sa swine at poultry production.
Tampok sa mga talakayan sa unang araw ang konsepto ng One Health na ibinahagi ni Dr. Yusuf Sucol ng SESAM, gayundin ang ugnayan ng Gender at One Health na tinalakay ni GAD Officer Karen L. Mercado, na sinundan ng bukas na talakayan at palitan ng mga katanungan. Higit sa pagpapalawak ng kaalaman, nagsilbing daan ang programa sa sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor tungo sa mas ligtas, malusog, at responsableng pamayanan.
#SustainableSwineAndPoultryProduction
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
