Gender Sensitivity Training built a more Inclusive and Empowered Youth of Los Baños (September 9, 2026)
Patuloy na namuhunan ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa paghubog ng kabataang may kamalayan, paninindigan, at paggalang sa pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng isinagawang “Strengthening Institutional Capacity through Gender Sensitivity for the Youth of Los Baños,” nitong Setyembre 9, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Activity Area. Pinangasiwaan ito ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pangunguna ng Gender and Development (GAD) Office na pinamamahalaan ni Ms. Karen Lagat-Mercado, miyembro ng National GAD Resource Pool ng Philippine Commission on Women (PCW), sa pakikipagtulungan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pangunguna ni Ms. Revilyn D. Perez.
Higit pa sa pagbibigay ng kaalaman, pinalalim ng aktibidad ang pag-unawa ng kabataan sa gender sensitivity, pagkakapantay-pantay, paggalang, at pag-iwas sa diskriminasyon. Sa patuloy na pagbibigay-lakas at tamang paggabay, hinuhubog ang kabataang Los Bañenseng may kaalaman, kumpiyansa, at boses upang maging makabuluhang katuwang sa paghubog ng isang mas ligtas at makatarungang pamayanan.
#StrengtheningInstitutionalCapacity
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
