MENU
Philippine Standard Time:
Educational Assistance Program provided Financial Support to Existing Scholars in Los Baños (September 9, 2026)
Published date: Sep 9, 2026
Educational Assistance Program provided Financial Support to Existing Scholars in Los Baños (September 9, 2026)

Muling binigyang-prayoridad ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang kapakanan at edukasyon ng kabataan sa pamamagitan ng Los Baños Educational Assistance Program, kung saan ginanap nitong ika-9 ng Setyembre 2026 (Miyerkules) sa Municipal Activity Area ang payout para sa Grades 8, 9, 10 at 12 existing scholars. Ipinaabot ng programa ang kinakailangang suporta sa mga mag-aaral upang makatulong sa kanilang mga gastusin at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Isinakatuparan ang payout sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pangunguna ni Ms. Revilyn D. Perez, katuwang ang Municipal Treasurer’s Office na pinamamahalaan ni Municipal Treasurer Maria Luisa G. Diaz. Higit pa sa tulong pinansyal, ang programa ay nagsilbing dagdag-lakas at inspirasyon sa mga iskolar na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap sa pag-aaral. Patuloy na kasama ng Pamahalaang Bayan ang kabataan sa bawat hakbang tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.

#EducationalAssistanceProgram

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 278 Total Views

Related:


;