MENU
Philippine Standard Time:
Agoncillo, Batangas and Los Baños strengthened GAD Practices through Benchmarking Visit (September 8, 2026)
Published date: Sep 8, 2026
Agoncillo, Batangas and Los Baños strengthened GAD Practices through Benchmarking Visit (September 8, 2026)

Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama si Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Leren Mae M. Bautista, at Hon. Jay A. Rolusta, at mga Department Heads, ang delegasyon mula sa Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, Batangas, sa pamunuan nila Hon. Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, at Hon. Vice Mayor Atty. Remjellian Humarang, kasama sina Hon. Konsehala Atty. Sarah Pauline S. Mendoza at iba pang mga kawani para sa isang Gender and Development (GAD) benchmarking at learning visit nitong Setyembre 8, 2026 (Martes). Nagkaroon sa pagbisita ng palakasan, palitan ng kaalaman at karanasan sa mga epektibong programa at best practices sa GAD bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas inklusibo at responsive na pamamahalang lokal.

Tampok sa learning visit ang pagbabahagi ni GAD Officer Karen Lagat-Mercado ng mga programang ipinatutupad ng Los Baños bilang mga halimbawa ng mabubuting GAD practices. Ibinahagi naman ni OIC-ICSO Ms. Janice Sombillo ang MGLB GAD Database Management Information System (MIS), kabilang ang mga pamamaraan sa paggamit ng datos upang maging mas organisado, episyente, at angkop sa pangangailangan ng mga benepisyaryo ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang pang-GAD.

Nagkaroon rin ang delagasyon ng pagkakataon na makalibot at makilala ang ilang pasilidad sa Los Baños, kung saan naipakita ang mga serbisyong nakatuon sa kapakanan at pangangailangan ng iba’t ibang sektor. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkatuto at pagbabahagi ng karanasan, patuloy na isinusulong ang pamamahalang pantay, inklusibo, at tumutugon sa pangangailangan ng lahat.

#MunicipalityOfAgoncilloBatangas

#BenchmarkingActivity

#LearningVisit

#BestGADPractices

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 239 Total Views

Related:


;