Google Workspace Orientation Equipped Employees for a More Digital Workplace (September 7, 2026)
𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡𝗜
Matagumpay na isinagawa ngayong Setyembre 7, 2026 ang Training and Orientation on Google Workspace sa Multi-Purpose Hall ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng munisipyo upang higit na mapahusay ang kanilang kaalaman sa digital communication, collaboration, document management, at workplace productivity.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary, na may temang “Puso, Dangal at Galing Para sa Bayan.” Isinagawa ito sa ilalim ng pamumuno nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, at sa pangunguna nina HRMO Head Ms. Miraflor Tado at ICSO-OIC Ms. Janice Sombillo.
Nagbahagi naman ng mahahalagang kaalaman at praktikal na gabay si Ms. Des’ree Joy D. Lechuga, Project Development Officer II ng Department of Information and Communications Technology (DICT), hinggil sa mabisa at responsableng paggamit ng Google Workspace applications.
Sa patuloy na pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga kawani, isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mas mabilis, episyente, at makabagong paghahatid ng serbisyo para sa bawat Los Bañense.
#126thPhilippineCivilServiceAnniversary
Related:
-
Most Viewed Article
