Brigada Sining 2026 continued to Inspire Youth Through Art and Culture in Los Baños (September 5, 2026)
Ipinagpatuloy nitong ika-5 ng Setyembre 2026 (Sabado) ang ikalawang araw ng Brigada Sining 2026 sa Caesar P. Perez Memorial Stadium and Evacuation Center. Ipinamalas dito ang mga pagtatanghal at gawaing pangkultura na higit na naglapit sa kabataan at komunidad sa sining, kultura, at malikhaing pagpapahayag.
Pinangunahan ang programa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Kgg. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO) na pinamamahalaan ni Bb. Revilyn D. Perez, katuwang ang Philippine High School for the Arts (PHSA) sa pamumuno ni Prof. Josue Greg M. Zuniega, Director IV ng PHSA, at ng DepEd Los Baños Sub-Office sa pangunguna ni Dr. Soledad S. Villanueva, Tagamasid Pampurok, na kinatawan ni G. Noel Garcia, School Head ng Brgy. Malinta. Dumalo rin sa pagtitipon si Kgg. Jay G. Rolusta bilang Tagapangulo ng SB Committee on Education; habang nagpaabot naman ng buong suporta sa kabataang Los Bañense si Kgg. Samantha Nicole B. Ortega, Pangulo ng SK Federation ng Los Baños.
Tampok sa palatuntunan ang pangunguna sa pambansang awit ng Musika Ibarang, at panalangin mula sa Kuwit, mga Baitang 9 ng PHSA. Itinanghal rin ang Brigada Sining Theme Song ng Baitang 9 ng PHSA, kasama ang mga kalahok mula sa Ballet Workshop. Matapos ay nagkaroon din ng maikling paglalarawan ukol sa Brigada Sining si Bb. Precy A. Mondejar, Chief Administrative Officer ng PHSA, na sinundan ng mga pagtatanghal mula sa mga natutunan sa unang araw ng aktibidad.
Ang Unang Bahagi ng pagtatampok ay inihandog ng grupo ng Ballet A & B at Sining Biswal A & B, ang Ikalawang Bahagi ay ipinamalas ng pangkat ng Malikhain Pagsulat A & B at Sining Pantatro, habang ang pagtatampok ng Ikatlong Bahagi ay binuo ang Musika A & B at Katutubong Sayaw.
Nakilahok rin ang mga kabataang artista at mag-aaral ng PHSA na nagbigay ng impresyon at pasasalamat. Kabilang dito sina Rebekah Elise B. Hizon, Pangulo ng PHSA Baitang 9A – Lauro Alcala; at Hannah Jael A. Bautista, Pangulo ng PHSA Baitang 9B – Marilou Diaz-Abaya. Pinadaloy naman ang programa nina G. Reynan Manaig at Bb. Hannah Leceña.
Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang kabataan at sining bilang daan sa paghubog ng talento at pagpapahalaga sa kultura. Naging makabuluhang bahagi ng Brigada Sining ang sama-samang pagdiriwang ng sining para sa isang mas masigla at malikhaing pamayanan.
#PhilippineHighSchoolForTheArts
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
